Sunday, July 24, 2011

intro.

bilang isang batang lumaki sa hirap, maraming beses kong naitanong kung paano ba yumaman. Gusto ko talagang yumaman. Akala ko dati, ang mayayaman ay masasamang tao, corrupt o magnanakaw. Hindi ko naman alam kung bakit ganyan ang tingin ko noon sa mayayaman. siguro dahil sa napapanood ko sa tv, naririnig ko sa mga taong mahihirap, nababasa ko sa komiks at pocketbooks. hindi naman tahasang sinasabi dun na ang mayaman ay masasama ngunit kadalasan ang bida ay mahirap at ang kontrabida ay mayaman na sa masama galing ang pera. at isa pa, kapag mayaman ay masama ang ugali at nangmamata ng mahihirap. At lagi kong naririnig na ang mayaman ay hindi nakakaakyat sa langit! Paano mo namang gugustuhing yumaman kung sa impyerno ka naman pala mapupunta? Kaya noon, kahit gusto kong yumaman, naisip ko wag na lang kaya. baka maging masamang tao pa ako.

Fast forward: Mayaman na po ako ngayon. ^__^ Paano? Sa sobrang daming hirap na pinagdaanan ko, nagkaroon ako ng HUNGER at matinding DESIRE na yumaman. Kaya nagdasal ako, Lord, please help me. please make me rich. Gusto kong tulungan ang magulang ko. Gusto kong mapag aral ang kapatid ko. Gusto kong tumulong sa mahihirap. Gusto kong mapag aral din ang mga bata sa probinsya na hindi kayang pag-aralin ng magulang. Gusto kong mabigyan ng kabuhayan ang mga taong magbubukid na kapag binagyo ang pananim ay wala ng kakainin sa loob ng ilang buwan. Marami akong gustong gawin, ngunit hindi ko magagawa kung hindi ako mayaman. Kaya kailangan kong yumaman. At dahil sa matinding desire, nagbasa ako ng mga libro kung panu yumaman. Nag research ako sa internet, nagtanong ako sa mga mayayaman kung panu sila yumaman. Pag may balita sa tv na yumaman na galing sa hirap, tutok talaga ako sa panunuod. At sinasabi ko sa sarili ko na yayaman din ako. Nagbasa rin ako ng mga talambuhay ng mga taong mayayaman. Naging interesado talaga ako kung ano ang dapat gawin para yumaman.
At marami akong natuklasan. Marami akong natutunan. Sa wakas, nahanap ko ang kasagutan sa matagal ko ng tanong.

7 comments:

Anonymous said...

paano nga ba? anong ginawa mo?

kit said...

ako rin, gusto ko ring yumaman. sana yumaman na tayong lahat. yehey!

gilbert said...

kung gusto mong tumulong, paano?dykep

amy said...

Your ideas and style are similar to Masaganang Pinoy. Have you heard of him by any chance?

khim said...

bkit qanun puh ndi nmn cnbe ng diretso kung paano yumaman ...

Anonymous said...

Need Extra MONEY? Check this link:
... http://themonthlyjob.com/?refcode=10078
It's so easy and it's for Free... Walang money
involve...
This can't be real. Are you giving free money?
No, we are not giving away free money. We are
paying you in order to generate traffic to our
advertiser's websites. We will get paid from our
advertisers for the traffic we bring to them and
paid commission to you people.

roselyn said...

paano po ba talaga yumaman? alam ko kailangan magsikap pero hindi yata sapat un para yumaman? paano poh ba?