Tungkol sa blog na ito

Mula ng matuklasan ko kung paano yumaman, naisip kong ibahagi ito sa lahat ng tao. Alam ko na maraming tao ang naghihirap na gusto nang makaahon sa buhay. Ngunit hindi nila alam kung paano. Kaya gusto kong ibahagi sa kanila kung ano ang aking nalalaman.

Ang blog na ito ay para sa kapwa ko Pilipino, bata man o matanda, may pinag aralan man o wala, mahirap man o mayaman na. Gusto kong malaman nyo na lahat tayo ay pantay pantay na may karapatang yumaman at kayang kaya nating yumaman kahit pa wala kang pinag aralan o anuman ang katayuan mo ngayon sa buhay. Kung talagang gusto mong yumaman, walang makakahadlang sa iyo. Hindi ibig sabihin na pinanganak kang mahirap ay mamamatay ka rin na mahirap.

Hindi lang pera ang tinutukoy ko sa blog na ito sa pagiging mayaman o maunlad. Dapat mayaman ka sa lahat ng aspeto. mayaman ka sa pera, mayaman ka sa kaalaman, mayaman ka sa kalusugan, at mayaman ka sa pagmamahal hindi lang sa iniirog mo kundi pati sa pamilya mo at sa lahat ng kapwa mo.

Dalangin ko na ang lahat ng Pilipino ay yumaman at makatulong sa kanyang kapwa. Kung nakatulong sa iyo ang blog na ito, sana ibahagi mo rin ito sa iba.