Wednesday, July 27, 2011
Magpayaman ka. Karapatan mo ito!
Una sa lahat, kailangan mong malaman na karapatan mo ang yumaman. Hindi masama na hangarin mo na yumaman ka. Yan ay normal at karapat dapat lamang. Ang tao ay nabuhay para umunlad, para paunlarin ang kanyang sarili.Ang taong hindi naghangad na umunlad ay hindi normal. Karapatan mo na maranasan ang masayang buhay. Karapatan mo na makuha ang lahat ng gusto mo. Karapatan mo na mabuhay ng marangal. Karapatan mo na mabuhay nang hindi halos nagpapakamatay sa labis na pagtatrabaho. Marapat lamang na unahin mong pag-aralan kung paano ka uunlad. Hindi lang dahil sa karapatan mo ito kundi ito ay obligasyon mo rin.Obligasyon mo ang magpayaman para sa sarili mo, para sa pamilya mo at para sa kapwa mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment